top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | Oktubre 22, 2018 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 22, 2018 (Lunes): Gina­ga­rantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na kahit gaano katayog ang iyong mga pangarap, ma­aabot mo pa rin ang mga ito.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa iyong sa­rili. Ito ang pi­nakamalakas mong san­data upang maabot mo ang iyong mga kagustuhan. Hindi ka mabibigo kung ma­giging positibo ka sa buhay. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-11-19-20-29-39-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malala­kas ang aala­lay sa iyo kung saan pagbibigyan nila ang mga kagustuhan mo. Kaya ngayon na ang pag­kaka­taon mo na makuha ang iyong mga gusto, pero dapat huwag mo itong sasayangin. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-9-19-20-23-27-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Kambal na suwerte ang mapasasaiyo, pero may kondisyon ito na nagsasabing patawarin mo muna ang mga nagka­sala sa iyo upang pagpa­lain ka lalo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-15-23-37-45.

CANCER (June 21- July 22) - Dumikit ka sa alam mong may maitutu­long sa iyo. Hindi ka ma­bibigo kapag pinakitaan mo ng maganda ang ibang tao sa pamamagitan ng maliliit na bagay. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-27-28-34-38-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mas­ya­do kang ma­lakas nga­yon, hindi ito ma­ganda. Ang payo ay nag­sasabing magpakum­baba ka dahil sa pagpa­pa­kumbaba, ang mga su­werte mismo ang lalapit sa iyo. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-2-9-14-22-31-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hanapan ng ka­pintasan ang iyong kapwa. Magsasa­yang ka lang ng mahaha­lagang panahon na puwe­de mong magamit para mas mapaunlad mo pa ang iyong buhay. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-11-17-29-31-43-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukuha ng mas malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo na may paalala na ngayon ay nahaharap ka sa buhay na may kaka­ibang saya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-3-15-16-26-34-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magpa­palit ng kasa­lukuyang susi mo sa ta­gumpay. Ito ang pinaka­ma­buti para sa iyo. Huwag kang manggagaya ng ibang tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-18-20-23-33-38-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag hindi mo na­kuha ang isang bagay, ibig sabihin, hindi ito para sa iyo. Hindi mo na kailangan pang kunin ang gusto mo dahil ang mismong kapalaran na ang magbibigay nito sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-23-35-36-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tangga­pin mo ang ini­aalok sa iyo da­hil ito ang magpapaunlad ng buhay mo. Lakasan mo ang iyong loob dahil ang mahihina ang loob ay hin­di umaasenso. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-16-21-26-29-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit noon pa man, ang nawawala sa iyo ay napapalitan din ng mas maganda at kapa­ki­pakinabang, kaya hindi ka dapat malungkot. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-17-24-26-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Makikita mo mismo sa iyong mga mata ang pagbagsak ng mahi­hig­pit mong kaaway, ga­yundin ang mga suwer­teng darating sa iyong bu­hay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-19-28-30-33-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page