Bangkay ng bebot natagpuan
Pabs Hernandez III
Oct 22, 2018
1 min read
PANGASINAN—Isang bangkay ng babae na may mga tama ng saksak sa katawan ang natagpuan sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa sa Bgy. Puelay, Villasis sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Remedios Maer, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang salarin at motibo sa krimen.





Comments