Search
  • BULGAR

Sorry, sa huwes lang at 'di sa simbahan, Robin…KASALANG ALJUR-KYLIE, SA NOV. 18 NA!

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

FINALLY, matutuloy na! Magpa­pakasal na nga sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica!

But wait, kung karamihan sa mga celebrities ay pabonggahan sa kasal with matching pre-nup pictorial and everything, sina Kylie at Al­jur ay magkakaroon lang ng civil wedding sa November 18.

Hands-on si Kylie at siya na rin ang nagpaplano sa kasal nila ni AJ (nickname ni Aljur).

Paliwanag ni Kylie, mas impor­tante na magkaroon sila ni Aljur ng maayos na relasyon kesa sa en­grandeng kasalan.

Ani Kylie, “I don’t want to offend anyone. Ang feeling ko, ang kailangang ayusin, ‘yung relasyon.”

Dagdag pa niya, gagawin ang kasal para maging buo ang kani­lang pamilya ni Aljur, especially may baby na sila, si Alas, at magkasama-sama ang kani-kanilang pamilya.

“Actually, ‘yung pagpapakasal namin is para sa family to come together. Para na rin kay Alas, buo kami as a family.”

Well, hindi man sa simbahan ang kasal tulad ng gusto ni Robin Padilla, at least ay magiging legal na­man na ang pagsasama nina Kylie at Aljur.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.