- BULGAR
Quit smoking, use safety eyewear, look away from computer screen etc… IBA’T IBANG PARAAN UPANG MAPAN


SA mga lodi nating gustong mapanatiling healthy ang kanilang mga mata kahit babad na sa kako-computer at kase-cellphone, narito ang ilang paraan upang manumbalik ang linaw ng inyong paningin:
1. EAT WELL. Ang pagkakaroon ng magandang mga mata ay nag-uumpisa sa sustansiya ng pagkain na ating kinokonsumo sa araw-araw. Ang mga nutrisyon tulad ng Omega-3 fatty acids, lutein, zinc at Vitamins C at E ay makatutulong sa mga problemang mararanasan natin sa ating mga mata tulad ng macular degeneration at katarata. Kumain ng berdeng mga gulay, lamandagat, mani, itlog at prutas.
2. QUIT SMOKING. Naku! Para sa mga cigarette is life riyan, stop na ninyo ‘yan kung ayaw ninyong magkaroon ng katarata at masira pa ang inyong optic nerve at makaranas ng macular degeneration.
3. WEAR SUNGLASSES. Kung malabo na ang mga mata, ‘wag nang pilitin pang makakita. Magpa-check-up na sa ophthalmologist nang sa gayun ay malaman nila kung ano ang diperensiya ng inyong mga mata. Piliin ang salamin na may UV protection o ‘yung mapoprotektahan ang mga mata kahit madalas na gumamit ng mga gadget.
4. USE SAFETY EYEWEAR. Kung may gagawin na alam ninyong hindi makabubuti sa kaligtasan ng inyong mga mata ay magsuot ng protective goggles o safety glasses.
5. LOOK AWAY FROM THE COMPUTER SCREEN. Ang pagtingin sa monitor ng computer o phone screen ay maaaring magresulta ng eyestrain, blurry vision, trouble focusing at a distance, dry eyes, headaches; neck, back at shoulder pain. Pero, kung talagang hindi ito maiiwasan, puwede namang ipahinga ang mga mata kahit saglit lamang.
6. VISIT YOUR EYE DOCTOR, REGULARLY. Maganda ring bumibisita sa mga eye clinic para ma-monitor ang kalusugan ng ating mga mata.
Keep your eyes healthy, mga beshy! Okie? He-he-he!