top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Permit muna bago carolling

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2018
  • 1 min read

TIMEOUT muna tayo sa usapang-politika.

Paparating na ang Pasko, tiyak excited na ang bagets at feeling bagets. Siyempre, hindi mawawala ang carolling para mas ramdam ang kapaskuhan.

Gayunman, sa Lungsod ng Baguio, hindi basta-basta makapagka-carolling ang isang indibidwal, grupo o organisasyon.

Ayon sa Social Welfare and Development Office, ipinagbabawal ang pagsasagawa ng carolling sa lungsod kung walang permit ang mga gagawa nito.

Kaya ang mga gustong magbahay-bahay para mamasko ay kailangan munang kumuha ng permit o pahintulot sa barangay kung sa isang barangay lamang sila mag-iikot.

Samantala, kung sa buong lungsod, kailangang humingi ng pahintulot sa kanilang tanggapan na pipirmahan ng alkalde.

At ang layunin nito ay upang maging legal umano ang pagka-carolling at hindi maituturing na pang-solicit ang gagawin ng mga ito.

Samantala, tiniyak ng ahensiya na mabibigyan umano ng tulong ang mga nais mag-carolling kung matutuklasan na sila ay tunay na nangangailangan.

Medyo kakaiba ang kautusang ito pero, umaasa tayo na hindi sana nito maapektuhan ang tunay na diwa ng pagka-carolling.

Hindi para makakolekta ng pera kundi upang makapaghatid ng katuwaan sa bawat pamilyang kinakatok at hinahandugan ng mga pamaskong awitin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page