Labs mo Ogie, durog! REGINE, WALANG LOYALTY, KINUYOG NG NETIZENS
- Nitz Miralles
- Oct 21, 2018
- 1 min read

WALA naman palang Twitter account si Beverly Salviejo. Nilinaw ito ng aktres sa FB post niyang… “Wala po akong Twitter account at wala akong sinasabing ganito. Kung sino ka mang gumamit ng pangalan ko, tamaan ka nawa ng matinding gaba sa ginawa mong pagsira sa pangalan kong iningatan ko sa buong buhay ko!!!”
Ipinost din ni Beverly ang tweet ng poser niya tungkol sa paglipat ni Regine sa ABS-CBN kung saan mababasa ang: “Kasi naman, lahat ng adjustment ay ginawa nila para sa kanya. ‘Di ba, iyang Sarap Diva ay binuo para lang sa kanya dahil ayaw na raw niyang mag-soap? Pati nga ang The Clash ay ginawa rin para sa kanya, ‘di ba? Siguro ang dapat na lang niyang patunayan ay loyalty.”
Na-bash si Regine dahil sa post ng poser at na-bash din si Beverly dahil maraming naniwala na siya ‘yun. Pero nang bisitahin namin ang Twitter account, deleted na.





Comments