Jeep tumagilid, 18 sugatan
NASA 18 katao ang sugatan sa pagtagilid ng kanilang sinasakyang pampasaherong jeep sa Bgy. New Cabalan, Olongapo City.
Isinugod sa James L. Gordon Memorial Hospital sina Carlito de Vega, 51; Rodel Torreliza, 45; Nhoyel Gordon, 41; Arnold Sabio, 47; Manuel Hiduaza, 41; Angeline Mallari, 28; Fereras Garcia, 21; Remelyn Espero, 21; Raquel Crespo, 19; Rizel Tubilia Dialo, 32; Marisa Lorenzo, 63; Earen Rupa, 23; Jean Ita Rebuto, 20; Babylyn Navor, 37; Ronald Ferea, 28; Esmeralda David, 52; John Santos, 28, at Jimuel Viray, 28.
Batay sa report ng City Traffic Management Bureau, pasado alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente nang magkaroon umano ng pagpalya sa preno ng naturang sasakyan pagdating sa pakurbadang bahagi ng national highway.
Nagpagewang-gewang ang jeep na minamaneho ni De Vega hanggang sa mawalan na ng kontrol at tuluyang tumagilid.





Comments