Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | Oktubre 21, 2018 (Linggo)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 21, 2018 (Linggo): Ia­angat ka ng langit dahil ikaw ay may mababang kalooban. Ang kasaga­na­han at kayamanan ay regalo para sa iyo dahil ikaw ay may kakaibang kabaitan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumukupas ang lahat ng bagay, pero ang iyong kasiglahan ay kumikinang. Ito ang dahilan kung bakit la­long lumalaki ang mun­dong iyong ginagalawan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-16-19-20-26.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa panig mo ang langit. Ku­milos ka ng may positi­bong pananaw. Ang mga kontrabida sa buhay mo ay hindi makapanini­wala na magagawa mo ang hindi nila kayang gawin. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-18-21-25-28-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Maki­pag-ayos ka sa mga ta­ong nagpapasakit ng ulo mo. Hindi ibig sabi­hin nito ay natalo ka nila kundi dahil kailangan mong magpakumbaba upang umabante ng hus­to ang buhay mo. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-20-21-24-27.

CANCER (June 21- July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilan pang mga araw na darating. Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang mang­yayari dahil ang langit mismo ang kikilos para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-1-8-15-26-31-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kilatisin mo ang bawat ma­kakaharap mo. May ilan sa kanila ang muk­hang asensado, pero ang totoo, wala ka na­mang mapapala sa mga ito. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-16-22-29-30-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ang nagku­kun­­waring na­kaa­awa ay kaawa­an mo. Ang totoo, kahit niloloko ka lang nila, da­pat mo pa rin si­lang tulu­ngan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-23-25-39-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kailangan mong mag­pasya para sa iyong sarili. Hindi na da­pat iba ang nagpapasya sa buhay mo. Muli, kaila­ngang ikaw na ang ku­montrol sa agos ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-14-29-33-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumala­kas ang mahi­hina. Magi­ging malakas ka hang­gang sa lubusan mong ma­tupad ang iyong mala­laking pangarap. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-19-29-30-36-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagba­ba­lik ang uma­alis. Paulit-ulit itong nagaganap sa mundo ng pag-ibig. Ihan­da mo ang iyong sarili sa mu­ling pagbabalik ng taong minsan ng naging bahagi ng buhay mo. Ma­suwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-21-28-32-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling magpapakita ng ningning ang iyong bituin. Marami ang masisilaw at ang ilan sa kanila ay wala ng ka­rapatang lumapit sa iyo. Kaya mag-ingat ka! Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-20-25-30-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi magsasawa ang langit na bigyan ka ng pagkaka­taong magkaroon ng ma­sa­rap na buhay kahit pa madalas ay matigas ang iyong ulo at mali-mali ang pasya mo. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-27-39-40-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong isusuko ang malalaking pangarap mo. Gawin mo lang ang iyong makakaya at sa huli ay mag­tatagumpay ka. Ma­su­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-19-21-25-42.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.