top of page

Babala sa mga feeling sobrang pagod na pagod!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2018
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Pakiramdam ko ay palagi akong pagod sa buong maghapon kahit wala akong mabigat na ginagawa. Umiinom naman ako ng vitamins, subalit, ganu’n pa rin. Ano kaya ito?— Jeniffer

Sagot

Maaaring ang nararanasan mo ay ang tinatawag na chronic fatigue syndrome. Ito ang sakit kung saan nakararanas tayo ng labis na pagod na lubhang nakaaapekto sa ating buhay. May mga oras na hindi na natin magawa ang mga bagay na gusto nating gawin dahil pakiramdam natin ay sobrang pagod na tayo at kailangan nang magpahinga. Dahil walang gamot para rito, ang pag-eehersisyo at stress management programs ay makatutulong upang mabawasan ang mga ganitong pakiramdam. Gayunman, maaaring dulot ito ng mahinang immune system, kakulangan sa nutrition at pagkakaroon ng viral infection. Maaaring may kinalaman ito sa mga problema sa pagtulog, anemia, low blood pressure at iba pang metabolic abnormalities, gayundin kung nakararanas ng sakit ng katawan at ulo at problema sa memorya, hindi makapag-focus, nanghihina at madalas ay nahihilo. Kung ang mga sintomas na ito ay nararanasan natin ng mahigit sa anim na buwan, pinapayuhan tayong kumonsulta agad sa doktor upang maresetahan ng gamot at mapayuhan ng tamang vitamins.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page