Umiwas sa checkpoint | RIDER TODAS SA PULIS
- Levi Gonzales
- Oct 20, 2018
- 1 min read
PATAY ang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang makaengkuwentro ang tropa ng pulisya sa Bgy. Poblacion, Malvar, Batangas.
Ayon sa nakuhang impormasyon, ala-1:30 ng madaling-araw, habang nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga awtoridad nang maispatan ang kahina-hinalang kilos ng isang paparating na motorsiklo.
Agad nila itong pinara ngunit, sa halip na huminto ay nagpaputok umano ito ng kanyang baril. Doon na nagkaroon ng barilan hanggang sa bumulagta ang suspek.
Posible umanong ang suspek ay isa sa mga karnaper na nag-o-operate sa lalawigan.








Comments