- Pabs Hernandez III
Principal nilikida sa iskul
NORTH COTABATO—Isang principal ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa loob ng paaralan sa Bgy. Kadigasan, Midsayap sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Anok Dagatad, principal ng Kadigasan Elementary School sa nasabing barangay.
Nabatid na nakaupo umano si Dagatad sa loob ng eskuwelahan nang sumulpot ang suspek at agad binaril ang biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.
0 comments