- BULGAR
Para sa mga matatapang kuno riyan...SINE-SINDAK HORROR FILM FESTIVAL 2018, ABANGAN!
Thea Janicah Teh / Bulgarific Lifestyle

ILANG araw na lang at tataas na naman ang mga balahibo natin dahil sa mga kaluluwang muling magpaparamdam. Buti pa ang multo nagpaparamdam, pero si crush, sana naging multo na lang! Charot! Aabangan na naman natin ang mga documentary ng iba’t ibang paranormal activities, pero mga bes, may isa pa tayong kailangang abangan, ito ang pagsasanib puwersa ng SM Cinema at CrystalSky Multimedia upang maghatid ng kilabot at takot ngayong first ever Sine-Sindak Horror Film Festival 2018!
Inihahandog ng Sine-Sindak ang 8 international horror movies na paniguradong gagambala sa inyong pagtulog.
1. THE HOARDER (USA). Nadiskubre ni Ella (Mischa Barton) na ang boyfriend niya ay pasikretong nagrerenta ng storage unit para itago ang kanyang kalaguyo. Pero, lingid sa kaalaman niya at ng kanyang bestfriend na si Molly (Emily Atack) na may mas nakatitindig-balahibo silang matutuklasan.
2. THE DEAD ROOM (USA). Dalawang scientists (Jed Brophy at Jeffrey Thomas) at isang psychic (Lara Peterson) ang makakaharap ng isang malakas na espiritu na pumoprotekta sa mga lihim ng isang lumang bahay sa gitna ng bukid.
3. URBAN EVIL (South Korea). Ito ay tungkol sa isang batang mutant na mag-iimbestiga sa maraming kaso ng exorcism sa kanilang lugar.
4. THE EVIL IN US (USA). Halina’t samahan si Brie Armstrong (Debs Howard) na iligtas ang kanyang sarili matapos mabaliw ang kanyang mga kaibigan dahil sa virus na mula sa droga na parang cocaine.
5. DARKNESS RISING (USA). Bumisita si Madison (Tara Holt) kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Jake (Bryce Johnson) at Izzy (Katrina Law) sa kanilang dating bahay kung saan pinatay ang kanyang buong pamilya. At dahil siya lang ang nakaligtas, pilit nitong hinahanap ang misteryo sa bahay na ‘yun.
6. HOLLOW ONE (USA). Pumunta sa isang liblib na lugar si Rachel Wade (Kate Alden) at ang kanyang kapatid para hanapin ang kanilang ama na nawala matapos ang karumal-dumal na pagkamatay ng kanilang ina. Ngunit, hindi lang mga lugar ang kanilang nabalikan kundi ang iba pang misteryo sa kaniyang nakaraan.
7. THE LOST CASE (Thailand). Ito ay kuwento ng dalawang bagong salta sa isang TV production company na nagpapalabas ng isang sikat na programang “Ghost Doctor TV” at na-assign sa suicide case. Alamin ang kakila-kilabot na experience ng mga ito!
8. GRACE (Thailand). Binalak ni Grace at ng kanyang kapatid na lalaki na kidnapin si Care, isang Internet idol sa Thailand. Alamin natin kung paano niya walang awang pinahirapan ang kanyang biktima.
Mga bes, taralets ng mag-movie marathon dahil mapapanood natin ito sa all SM Cinemas at Waltermart Cinemas, nationwide! Don’t worry, mga bes, dahil Php99 lang ang ticket! At kung matapang ka, may all-day pass din na Ph199 lang! Magsisimula ito ngayong Oct. 24-30, 2018! Mag-book na ng ticket sa www.smcinema.com o i-download ang SM Cinema Mobile App. At para maging updated sa latest happenings sa SM, i-follow ang SMCinema (Facebook) at @SM_Cinema (Instagram).
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo