Search
  • BULGAR

Labs mo, Kathryn, kumanta… REGINE, NAPATULALA KAY DANIEL

Vinia Vivar / FRANKLY SPEAKING

Photo from: Starcinema

SA kanyang pagbabalik sa ABS-CBN pagkatapos ng 20 years na pana­natili sa GMA-7, inamin ni Regine Velasquez na maraming Kapamilya stars ang gusto niyang makatrabaho.

Una na nga niyang nasabi na gusto niyang maka-collaborate si Megastar Sharon Cuneta, ang paborito niyang si Sarah Geronimo, sina Gary Valenciano at Martin Nievera, ang dati niyang kasamahan sa GMA-7 at kaibigang si Jaya at marami pang ibang Kapamilya singers.

At isa nga sa mga nabanggit ni Regine na gusto rin niyang makatrabaho ay si Daniel Padilla na nakita pala niyang mag-perform sa ABS-CBN Ball at talaga raw napatunganga siya sa ka-love team ni Kathryn Bernardo.

Puring-puri niya si Daniel bilang performer dahil magaling daw pala ito.

Kaya lang, when asked kung posible silang magsama sa movie, natatawang sabi ni Regine, tita na lang daw siya ni DJ (Daniel).

Well, kung may magandang script naman para sa kanilang dalawa, why not?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.