Andrea, todo-selos kaya nakipag-break… NABULGAR: SEF, PINUPUNTAHAN SA CONDO NG IBANG BABAE


NASA kanyang early teens pa lang si Sef Cadayona ay nagkaroon na siya ng sweetheart.
“Kaya nasanay ako nang merong nilalambing at may naglalambing sa akin,” sabi ng handsome comic.
Ang seksing si Andrea Torres na nakilala niya sa Bubble Gang ang last GF niya at naging sila for more than three years. They clicked dahil pareho silang sweet, romantic at thoughtful. Sad to say, selos ang naging cause ng kanilang split-up.
“Nakaka-miss si Andeng. Siya ‘yung laging nagtsetsek kung kumain ako sa oras. ‘Pag may sakit ako, she would drop by sa condo ko to see kung okay lang ako. She brings me food na alam niyang favorite ko. Dalawang babae ang ganu’ng mag-alaga sa akin, ang lola at ang mama ko,” sabi pa ni Sef na umaming after Andeng ay ‘di na uli nanligaw sa ibang babae.
Ikinuwento niya sa aming totoong may third party na pinagselosan si Andeng. Pero friend lang daw o barkada ang said girl. In fact, iniwasan niya ito para ‘di masira ang relasyon nila ni Andeng. Somebody close to Sef told us na ang said girl ang tumatapat sa condo ng binata pero pinagtataguan niya.
Overwhelmed si Sef dahil ang daming bumati sa kanya for his performance as a gay TV segment producer named Amado Madz Aguilar whose true story was featured in Magpakailanman na nag-trending.
Four days before taping ay hiningi niya ang script and he fell in love with it. Nasa set si Aguilar at three hours siyang kinausap ni Sef. Sa meeting na ‘yun ay nakuha ni Sef ang pagkilos at pananalita ng karakter na ipinortray niya. Heartwarming lumitaw ang mga eksena nila ni Mark Herras na lover ni Madz ang papel.
Natuwa rin si Sef na tinanggap ni Direk Rado Peru ang mga eksenang he suggested. Sa totoo lang, pang-Single Dramatic Performance by an Actor ang naging acting du’n ni Sef na matagal na nakilala sa komedya (thanks to Bubble Gang, where he received his Best Comedy Actor trophy).
Sa isang indie film nama’y kinilala siya as Best Actor kaya dasal daw niya’y makagawa pa ng more indie films where he can hone and prove his dramatic skill.





Comments