Search
  • BULGAR

Dahil sa'yo, Pia… BEA, KAY AGA TUMAKBO NU’NG MAY PINAGDAANAN KAY GERALD

Melba Llanera / INSIDER

HANDA palang magbalik-telebisyon si Aga Muhlach kung ang First Love leading lady niyang si Bea Alonzo ang makakapareha niya.

Mas gusto sana niya ng sitcom dahil bukod sa gamay na niya ito ay dito talaga siya nakilala. Pero kung saka-sakaling ‘di na gaanong gumagawa ng sitcoms ang ABS CBN ay willing ding mag-teleserye ang aktor basta si Bea ang makakatambal niya.

Iba ang closeness na nabuo sa pagitan nina Bea at Aga, kung saan mukhang nagtapat ang aktres sa aktor ng mga pinagdaanan ng relasyon nila ni Gerald Anderson kung ang pagbabasehan ay ang Mukha Mo, Tanong Mo segment ng Gandang Gabi Vice.

Nang ipinakita kasi ang mukha ni Pia Wurtzbach sa screen, naunang nagtanong si Aga ng “Bakit? Ano ang nangyari?” na mukhang may alam ito sa naging problema noon nina Bea at Gerald.

Nang tanungin naman ni Vice ang aktres kung ano ba ang gusto niyang tanungin sa 2015 Ms. Universe, kapareho lang ito ng tinanong ni Aga na, “Ano ang nangyari?”

Kung bukas na ang aktor na magbalik-telebisyon, kinlaro rin ni Aga sa amin ang matagal nang akala ng iba na siya ang nagpahinto kay Char­lene Gonzales na magtrabaho.

Ayon sa aktor ay walang magiging problema sa kanya kung magdesisyon ang asawa na magbalik-telebisyon at suportado niya rin ang magiging desisyon nito gaya ng suportang ibinibigay sa kanya.

Open din si Aga na magbalik-telebisyon sila ng asawa. Pero consistent pa rin siya na gusto niya munang magtapos ng pag-aaral sina Atasha at Andres, magkaroon ng normal na buhay at magtapos ng pag-aaral. ‘Pag naka-graduate na ang mga anak at magdesisyon na mag-showbiz ay ‘di raw siya tututol.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.