Search
  • BULGAR

Tinuklaw ng ahas sa tuhod

Socrates Magnus

Salaminin natin ang panaginip ni Richard ng Ri­chard_Gensis@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na tinuklaw daw ako ng ahas sa tuhod, gusto kong tanggalin, pero hindi ko matanggal-tanggal pero nu’ng ipinatanggal ko ito sa kapitbahay namin, natanggal naman nila. Sana, masagot ninyo ito.

Salamat!

Naghihintay,

Richard

Sa iyo Richard,

Alam mo, iho, may bahagi ng katawan na pinanggagali­ngan ng kiliti, hindi na natin iisa-isahin dahil maaaring alam mo na kung saang bahagi ng katawan ang mga ito, pero may isang bahagi ng katawan na sobrang nakakikiliti at ito ay hindi nalalaman ng karamihan.

Ang bahaging itong ng katawan ay ang alak-alakan.

Ito ang tawag dito dahil dito naiipon ang pawis sa binti.

Pero, walang kinalaman ang kanyang pangalang alak-alakan sa ating nakakikiliting usapan. Kaya naman ang bahaging ito ay sobrang nakakikiliti dahil ang balat nito ay manipis at malambot na tulad din ng maselang bahagi ng ating katawan.

Sa India kung saan naroroon ang Hinduism na isang relihiyong pinanggalingan ng kilalang-kilala ng lahat na “Kama Sutra” pinangangalagaan nila ang alak-alakan dahil nga ma­selan din ang bahaging ito. Mababasa sa Kama Sutra na ang mga halik sa alak-alakan ay nagreresulta sa mabilis na pag­kakaroon ng libido.

Kaya balikan natin ang iyong napanaginipan na ang mensahe ay nagsasabing kulang ang buhay mo sa sigla at sigasig. Manamamlay ang iyong kapalaran na parang walang paggalaw kaya hindi uusad ang iyong buhay.

At ang solusyon ayon sa panaginip mo, kulang ka lang sa kiliti ng buhay. Ito ang mga kakaibang pagkilos na nagre­re­sulta upang ang tao ay sumaya. Ayon sa panaginip, makibahagi ka sa pagsasaya ng mga tao, makihalubilo ka sa mga kabataan at puwede rin sa mga matatanda. Kumbaga, ang pagsasaya ay nakukuha sa lipunan na iyong ginagalawan at ang tawag dito ng mga sikolohista ay pakikipagsosyalan

.

At ibinabalita rin sa iyo ng iyong panaginip ang isa pang mahirap paniwalaang katotohanan na ang tsismis ay isa sa mga epektibong pangiliti ng buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.