Search
  • BULGAR

Excise tax suspension, ‘di raw papogi?

NAG-UMPISA na ang isa sa pinakamakulay na kagana­pan sa bansa, ang halalan.

Bagama’t, ngayon ang huling araw ng pagsusumite ng certificate of candidacy, wala pa tayo sa tunay na bakbakan. Kumbaga, nagkaalaman pa lang kung sinu-sino ang mga magkakatunggali.

Hindi mawawala ang mga manok ng administrasyon, gayundin ang mga nasa iba’t ibang partido, mayroon ding mga kandidatong mas piniling maging independent.

Kasunod nito ang kani-kanyang diskarte kung paano bibida at makukuha ang puso ng mga botante.

Samantala, agad nilinaw ng Department of Finance na hindi pamo­molitika o papogi ang maagang pag-anunsiyo ng pamahalaan para sa posibleng pagsuspinde ng sinisingil na excise tax sa mga produktong petrolyo sa 2019.

Layunin umano ng maaga nilang pag-anunsiyo ng excise tax suspen­sion na maiwasan ang ibayo pang ispekulasyon.

Sa madaling salita, hindi raw ito paramdam para suportahan ang mga pambato ng administrasyon.

Nauunawaan natin ang pinanggagalingan ng pamahalaan, pero hindi mapipigilang isipin ng taumbayan na tiyak, triple ang kayod ng mga nasa poder para lang manalo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.