top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di sila magkakambal pero magkaribal… MAGALING NA YOUNG ACTRESS NA BIDA SA SERYE, WALANG PR KAYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 17, 2018
  • 1 min read

BLIND ITEM:

AWARE kaya ang isang magaling na young actress (MYA) na napag-iiwanan na siya ngayon ng dalawang baguhang young actresses (BYA) na kasama niya dati sa isang top rating teleserye?

Bale ba ay si MYA ang bida sa nasabing serye at support lang ang dalawang BYA na isinama sa kanya. Pero, dahil parehong talented at may karisma sa tao ang dalawang BYA, sila ang napansin at lumutang sa serye.

Hindi man sinasadya ay naging daan ang teleserye ng MYA upang sumikat agad ang dalawang BYA.

Hindi namalayan ni MYA na unti-unti nang naagaw ng dalawang BYA ang kanyang korona. Bukod kasi sa maganda rin at magaling umarte ang dalawang BYA, nakakakanta rin sa mga mall shows. At sobrang ma-PR at malakas ang karisma sa fans ng dalawang BYA.

‘Yung isa nga, nagkaroon na ng sariling album at nakapag-concert na rin at nagkamit pa ng acting award. Eh, si MYA na unang sumikat dahil may ka-love team, mukhang matamlay na ang career. Hindi kasi ito nag-e-effort na makipagtsikahan sa mga fans at sa media. In short, wala siyang ka-PR-PR.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page