Search
  • BULGAR

Aktres, 1 taon nang walang work, tengga uli… BELA, PALIT SA MOVIE NI CLAUDINE

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

DAHIL wala pang katiyakan kung kailan ready si Claudine Bar­retto na muling guma­wa ng pelikula, pina­litan na siya ni Bela Padilla sa project na siya sana ang bida.

Si Bela na ang ma­kakapareha ni Xian Lim na siya sanang leading man ni Clau­dine kung natuloy ang movie pro­ject niya sa Viva Films.

Mahigit isang taon nang tengga si Clau­dine at ni wala itong TV guestings. Sayang ang mga career opportunities na pinaka­kawalan niya.

Handa naman ang Viva Films na tulungan siya upang muling maibalik ang init at ningning ng kanyang showbiz career.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.