Search
  • Clyde Mariano / ATD

ACES, 2ND Q’FINAL SEAT ANG TARGET VS. DYIP


PUNTIRYA ng Alaska Aces na sungkitin ang pangalawang quarterfinal set at sumama sa early qualifier league-leading at reigning Commissioner’s Cup champion Barangay Ginebra kontra cellar-dweller winless Columbian Dyip ngayong Miyerkules ng hapon sa Governor’s Cup sa muling pagbabalik sa Cuneta Astrodome

Dahil dito paboritong inaasahang kunin ng Aces ang pangalawang quarterfinal slot at palawigin ang pagdurusa ng Car Makers sa kanilang sagupaan ng 4:30 p.m. bago ang 7 p.m. ng engkuwentro ng NorthPort Batang Pier at Rain or Shine Elasto Painters kung saan target ng Batang Pier ang pangatlong panalo sa siyam na laro at palakasin ang kanilang kampanya sa next round.

Parehong galing sa panalo ang NorthPort at RoS at inaasahang matinding bakbakan ang masasaksihan ng die-hard PBA fans. Nagwagi ang North Port sa Meralco, 99-94 at pinutol ng RoS ang apat na sunod na kabiguan at tinalo ang pinapaborang Barangay Ginebra, 104-97 at sinira ang four games winning streak ng Kings sa Convention Center sa Lucena City, Quezon province.

Sa kabila nang pinapaborang mananalo hindi dapat magkumpiyansa at maging easy going ang mga bata ni Aces coach Alex Compton dahil determinado ang uhaw sa panalo na Columbian para putulin ang walong sunod na talo at makatikim na ng panalo bago lisanin ang Commissioner’s Cup at makuha ang panalo ni coach at dating PBA player Johnedel Cardel.

Walang mawawala sa Columbian Dyip dahil lalaro sila bilang spoiler’s role at nakahandang kunin ang unang panalo at hiyain si Alaska coach Alex Compton at ang kanyang players. Ayaw mangyari ni Compton sa kanya at para masiguro ang panalo ay pinaalalahanan niya ang mga manlalaro na pag-igihan ang laro para hindi masilat at mapahiya.

“We should not go reckless and wishy-washy in our game because our opponent is determined and hell bent to win. We have to play our usual game and keep the momentum to ensure the win,” sabi ni Compton.

Hanggang ngayon bigo pa rin si Compton na masungkit ang PBA title mula nang hinirang ni coach kapalit ni Tim na lumipat sa Purefoods bago hawakan ang Barangay Ginebra. Dahil ang tagumpay ay nakasalalay sa mga kamay ng import ay inaasahang muling maglalaro nang husto si Mike Harris kontra Akeem Wright sa personal nilang duwelo.

Nakahandang umalalay kay Harris ang locals na sina Vic Manuel, Chris Banchero, Sonny Thoss, Kevin Racal, JV Casio, Chris Exciminiano, Simon Enciso at Nonoy Baclao.

Inaasahang magiging exciting ang sagupaan ng North Port sa lakas ng imports na sina Rashad Woods at RoS na si Terrence Watson. Tulad ni Compton sina North Port coach Pido Jarencio at RoS mentor Caloy Garcia ay wala pa ring mga titulo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.