- BULGAR
UFC FIGHTER NURMAGOMEDOV HINAHAMON SI MAYWEATHER

PANGALAN ni Floyd Mayweather, Jr., ang hinahamon ni UFC fighter
at lumabas ito sa kanyang social media account ng 30-anyos na Russian fighter.
Mas mainam daw kung silang dalawa ang maglaban dahil pareho silang unbeaten. May 50-0 win-loss record si Mayweather at 27-0 si Khabib. Kinalos ni Khabib si Conor McGregor kamakailan sa 4th round noong nakaraang linggo sa UFC 229. Nagwagi naman si Mayweather nang talunin si McGregor sa 10th round noong Agosto 2017 sa isang boxing event.
Samantala, ang tagumpay noong Linggo sa Omaha, Nebraska para sa ika-34 na beses ni Terence Crawford kontra Jose Benavidez Jr, ay patunay na napakalakas nito at wala man lang bahid bugbog ang katawan at mukha makaraan ang panggugulpi niya kay Jose.
Perpektong tinapos ni Crawford sa technical knockout pagsapit sa 12th round si Benavidez at tila siya na ang magiging awtomatikong kahalili ni Floyd Mayweather,Jr., sa trono nito.
Oo at malayo sa personalidad ni Mayweather na makatulad si Crawford lalo na pagdating sa pagkita sa pay per view at sa mainstream discussion, maging sa karakter nito sa ibabaw ng ring at malayo ring mapapantayan ang pagtala ng maningning na kasaysayan sa boxing career ni Floyd.
Malayo rin daw ikumpara ang resume ni Crawford sa bilang mga mabibigat na nakasagupa ni Floyd, tulad nina Errol Spence, Mikey Garcia o kaya ay ni legendary Pinoy fighter Manny Pacquiao. Dahil ang mga ito ay malabong matalo ni Crawford. Masusubok lang si Terence kina Canelo Alvarez at Vasyl Lomachenko. Mas malupet sa pound-for-pound si Vasyl kaysa kay Terence at overall prizefighter kontra Floyd pero si Crawford ang mas lukratibo sa welterweight division. (MC)