Search
  • BULGAR

RUNNER NA NABUNDOL SA CEBU NASA MAAYOS NANG KALAGAYAN

STABLE na umano ang kondisyon ngayon ng isang 22-anyos na 10-kilometer runner ng

Cebu leg matapos na mabundol ng isang sasakyan na umano’y minamaneho ng isang ‘nakainom’ na estudyante.

Ang biktima na si Ezel Conde ay isinugod ng Brgy. Guadalupe ambulance sa St. Vincent General Hospital nang magtamo ng injury sa ulo at mga gasgas sa katawan kung saan dalawang kilometro na lamang ang layo nito sa finish line ay nabundol sa P. Del Rosario St., corner Jakosalem St., sa Cebu City noong linggo ng madaling araw.

Ang Toyota Vios na may umano’y may plate number na AAL-1848 ay minamaneho ng isang college student na si Abel Racaza Tanjay, 19-anyos. Regular na lumalahok sa local running event ang biktima at nakatakda sana itong mag-podium finish sa women’s 10K nang mangyari ang insidente.

Negatibo umano si Tanjay sa liquor test bagamat unang napagsuspetsahan na lasing ito. Ayon kay PO2 Levi Ronel Lepetin, traffic investigator na pinagamit ng alcohol breath si Tanjay at ng conjuctival injection at sumailalim sa Romberg’s tests pero negatibo. Sinabi ni Lepetin ng Police station 1, hindi naman nakulong si Tanjay at naghihintay lamang sila sa pamilya ng biktima na magsampa ng reklamo.

Binisita ni Milo Marathon Cebu leg head organizer Ricky Ballesteros at kinausap ang biktima sa ospital at maayos na ang kalagayan nito. “According to the driver, whom I talked through phone, the runner was sideswiped and was hit by the side mirror of his car. The runner fell on the sidewalk, which resulted to her getting bruises in the right side of the body and an injury in the head,” ayon kay Ballesteros. Sinabi ni Ballesteros na nangako si Tanjay na sasagutin ang mga ginastos sa ospital ng biktima pero inilipat sa ibang ospital si Conde para sumailalim pa sa CT scan at X-ray. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.