Search
  • BULGAR

Kaya oks lang kahit mangalay na ‘yung panga mo, besh! paghikab, good sa health!

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

HALOS mangalay na ang pa­nga at mangiyak-ngiyak na sa ka­hihikab? Keri lang ‘yan, da­hil knows ba ninyong ang paghi­hikab daw uma­­no ay hindi lang sim­pleng hudyat ng antok? May­­roon din kasi itong be­nefits na maidu­dulot sa ating kalusugan.

Akala ng karamihan, ang paghihikab ay sim­bolo lang ng boredom at antok, pero ang to­too, marami itong ma­aaring maibigay sa tao.

Ayon sa mga eksperto, ang paghi­hi­kab ay maa­aring maging sign of love kung saan nagsagawa sila ng ekspe­ri­mento kasama ang ilang unggoy at inob­serbahan nila ito at natuklasan nilang madalas ang mga itong humikab.

Ito raw umano ang kanilang paraan upang maiparamdam sa kapwa nila unggoy na mahal nila ang mga ito. Gayunman, ang pag­hi­kab ay nakatutulong upang mapabuti ang daloy ng ating dugo at nakata­tang­gal din ng stress.

Dagdag pa rito, kung may ear dis­com­fort kayo, ma­inam din ang paghihi­kab na gawing paraan upang mawala ang sakit o hangin dahil nai-equalize nito ang air pressure sa ating mga tainga.

Gayundin, mas dumarami ang oxygen na nai-enhale natin kung saan nakatutulong ito sa ating baga at maging sa ating utak upang ma­kapag-circulate ito ng maayos.

Samantala, napatunayan din ng mga eksperto na ang pag­hihikab ay naka­ha­­hawa lalo na kung ma­kaka­kita tayo ng ta­ong nag­­hihikab, for sure, mag­hihi­kab din, tayo.

Kaya kung madalas kayong maka­ramdam ng antok, for sure, madalas din kayong humikab, mga beshy! Pero, don’t worry dahil dehins naman ito ma­sama sa inyong body!

Copy? He-he-he!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.