Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | Oktubre 16, 2018 (Martes)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 16, 2018 (Martes): Magti­wala ka sa iyong kapala­ran. Kahit pa may pinag­daraanan ka, iisa lang ang kauuwian nito at ito ay ang mas lalo pang gagan­da ang buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pabigla-bigla ang takbo ng iyong kapala­ran kung saan ang mga karibal mo ay magugulat. Hindi nila matutukoy kung ano ang dapat nilang ga­win upang sila ay maka­ha­bol sa iyo. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-16-29-33-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon na ang hinihin­tay mong pag­ka­ka­­taon. Lakasan mo ang iyong loob at makipag­sa­palaran ka. Huwag mong saya­ngin ang araw na ito at ang ilan pang mga araw na darating na ikaw ay bubu­wenasin. Masuwer­­teng ku­lay-pur­ple. Tips sa lotto-19-21-25-28-34-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang taong nagni­ning­ning. Ang kislap na makikita mo sa iba ay ang magsisilbing pampasuwerte mo. Iwa­san mo ang mga malu­lung­kot dahil walang kis­lap ang kanilang kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-18-20-28-35.

CANCER (June 21- July 22) - Nakatutuwa ang kapala­ran mo ngayon. Ito ay nagsasabing ang taong inlove ang mag­ha­hatid sa iyo ng buwenas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-21-23-37-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ipa­kita mo ngayon ang pagma­ma­hal mo sa iyong kapwa. Hindi kaila­ngang marami o malaki ang maitutulong mo da­hil ang mahalaga ay ang makita ng langit na may mabuti kang kalooban. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-23-39-40-41-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi nawa­wala sa iyo ang pagiging ma­pag-alin­langan, pero ito ay naka­tutulong dahil ka­dalasan, mamamali ka na sana, pero bigla kang mag­papasya ng tama. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-14-16-20-25-27-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aabante at a­atras ang iyong kapalaran. Sa biglang-tingin, ito ay hin­di maganda, pero ang to­too, tulad ito ng alon sa da­gat na nagiging mapaya­pa rin pagkatapos. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-22-26-37-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag mahina ang banat, halos walang talab. Magdagdag ka ng puhunan at maki­kita mo ang mabilis na paglago ng iyong pinagka­kakitaan. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-20-28-34-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Yumaya­man pa ang ma­yaman na, pero ang mahirap ay hindi na makaaahon sa kahirapan. Ano ang dapat mong ga­win? Mahirap ka man o mayaman, kung saan ka sasaya, roon ka. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-24-35-36-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi na­man naaawat ang pagda­ting ng araw at gabi. Tuloy ang buhay kahit ano pa ang nararanasan mo. Ang payo sa iyo ay nagsasabing sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran. Ma­su­weteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-25-29-30-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung na­saan ka nga­yon, huwag ka ng umalis kaya ang pag­lipat sa ibang trabaho ay hindi makabubuti para sa iyo. Ang pansamantalang pa­na­natili sa kasalukuyan ay mas mainam. Masu­wer­teng ku­lay-white. Tips sa lotto-21-27-30-31-36-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mabibigla sa sikreto ng iyong kapalaran na nagsasabing manghiram ka ng suwerte sa iba at magugulat ka. Ibig sabihin, ang tayaan mo ay ang tinatayaan ng ka­­ibigan mo. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-19-25-35-38.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.