GF, mas matimbang daw sa kanya… JAKE, AMINADONG SAKIT NG ULO NG PAMILYA


Among the Los Bastardos guys, masasabing si Jake Cuenca ang pinaka-senior sa kanila. We don’t mean by age but by experience.
Iba’t ibang roles na ang nagampanan niya at lately ay puro kontrabida ang kanyang papel. Kaya naman he says naninibago siya sa Los Bastardos.
“Mabait ang role ko rito for a change. Nakakapanibago, but para sa akin, I take all the challenges. I want to further improve my craft in the sense na puwede akong gumanap ng varied roles.”
Sa interbyu sa kanya sa Magandang Buhay, Jake revealed his being the “black sheep” in the family.
He said, “‘Yung tipo bang bibigyan mo ako ng cellphone, babaliin ko ito nang husto.”
But he also reasoned out na perhaps, isa ito sa mga reasons kung bakit siya naging isang mahusay na aktor. ‘Ika nga, “With great risk comes the reward.”
O, ‘di ba, ang lalim ni Jake?
On his love life, sinabi niya na noon, kapag nagkakaroon siya ng girlfriend, no. 1 ito sa kanyang life.
“My family comes second. Ngayon na I am single, it’s my family who comes first.”
O, ‘di ba, for this reason, like namin talaga si Jake.





Comments