Search
  • Joy Repol Asis

9 mountain climbers, patay sa hangin at show

Siyam na mountain climbers ang nasawi makaraang tumama ang snow storm sa Mount Gurja, Nepal.

Batay sa ulat, dumating ang apat na mountain guides sa bahagi ng camp kung saan namamalagi ang South Korean climbing expedition nang tumama ang malakas na hangin at snow.

Dahil dito, limang South Koreans at apat na Nepalis ang kabilang sa grupo ng mga biktima ng snow storm.

Ayon kay Siddartha Gurung, chopper pilot sa retrieval operations, natagpuan na ang mga biktima at nasa proseso na para ibaba ang mga bangkay nito.

Sa pagsasalarawan ni Dan Richards ng Global Rescue, sinabi nitong parang nasabugan ng bomba ang campsite.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.