Search
  • BULGAR

Nag-text ang ex-boyfriend

Socrates Magnus

Salaminin natin ang panaginip ni Ynez ng Ynez_ Cor­tes@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako tungkol sa ex-boy­friend ko, nag-message raw siya sa akin ng mahaba. Hindi ko na ma­tandaan kung ano ‘yung mga nabasa ko, pero may pagsisisi at nakasulat na mahal na mahal pa rin kita.

Pag­gising ko, tiningnan ko ‘yung cell­phone ko, pero wala naman siyang message. Ano ang ibig sabihin nito?

Thank you!

Naghihintay,

Ynez

Sa iyo Ynez,

Ayon sa panaginip mo, mayroon siyang mahalagang men­saheng nais sabihin sa iyo. Kahit aminin mo man o hindi, ma­kikitang may pagka­kataong sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa hiwalayan ninyo at kaya kayo nagkalayo ng mahal mo ay dahil sa mga pagka­kamali at pagku­kulang na nagawa mo.

Alam mo, iha, hindi magandang si­sihin ang sarili sa mga nangyayaring kabiguan sa buhay. Ang paninisi sa sarili ay isang bukas na bintana ng pagka­sira ng ating kapalaran.

Ito ay magdadala sa tao sa tinatawag na “the black hole of our life.” Ayon sa mga dalubhasa, ang black hole ay isang malakas na puwersa kung saan hini­higop nito ang lahat ng bagay at tulu­yang winawasak.

Bago mangyari sa iyo ang sobrang masaklap na katoto­hanan, gumawa ka ng paraan sa pamamagitan ng iyong pa­naginip na kakikitaan ng katotohanan tung­kol sa iyong bi­gong love life.

Ano ang katotohanan na siyang mensahe ng iyong pa­naginip? Ang totoo, Ynez, ito ay nagsasabing ang may ka­salanan sa inyong pahihiwalay ay wa­lang iba kundi ang iyong dating minahal at hindi ikaw, ito ang isinisigaw ng iyong panaginip.

Maaaring hindi mo agad makuha o maunawaan, pero kung oobserbahan mo ang mga nangyari sa malalapit sa iyo na muling na­kipagbalikan sa kanilang ex-lovers, sinisisi rin nila ang kanilang sarili.

Kaya lang ang problema, dahil hindi naman totoo na isa lang ang nagkamali, muli silang masasaktan, mabibigo at magkakahiwalay dahil ang kanilang bina­likan ay posibleng umulit sa ginawang pagkakamali.

Dinaraya ng tao ang kanyang sarili sa ngalan ng pag-ibig, ito ang katotohanan dito sa mundo. Mahirap maremedyuhan ang ganitong bagay, pero puwede pa rin itong maiwasan sa tulad mong nanaginip na ang mensahe ay nagsasabing, gumising ka sa katotohanan, hindi ikaw ang nagkamali, nagkulang at wala kang kasalanan.

Pakinggan mo ang mensahe ng iyong panaginip dahil ito ay hindi nagsisinungaling, kumbaga, ang tao lang naman ang nakapagsisinungaling, pero ang panaginip ay palaging nagsasabi ng totoo, tama at mabuti.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.