Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | Oktubre 15, 2018 (Lunes)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 15, 2018 (Lunes): Ang sabi nila, parang hindi ka raw nag-iisip, pero ang hindi nila alam, mabilis na gu­ma­gana ang isip mo, kaya mabilis mo ring naku­kuha ang gusto mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-aalin­langan dahil kung aalalahanin mo ang iyong nakaraan, sa tu­wing nag-aalinlangan ka, nauunahan ka ng iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-29-30-34-47.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magti­wala ka sa iyong sarili! Higit kaninuman, ikaw ang nakaaalam kung ano ang makabubuti sa buhay mo. Huwag mong haya­ang iba ang magpasya para sa iyo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-20-26-41-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Darating ang mga suwerte mo sa paraang hindi mo gusto. Mismong langit ang nakaaalam kung ano ang dapat mong pag­da­anan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-5-17-21-26-38-40.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag mong patayin ang ningas ng iyong sigasig. Kumikilos ang mundo sa pagpapali­tan ng gabi at araw. Tiba­yan mo ang iyong kaloo­ban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-6-11-18-24-29-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung natalo ka, okay lang ‘yan. Dito sa mundo may natatalo at nananalo. Ma­pa­­sa­saiyo ang panalo pag­ka­ta­pos mong madehado. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-19-25-28-33-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdagan mo ng isa ang ba­wat hakbang mo, sa ganito maiiwanan mo ang iyong mga kakum­pi­tensiya. Huwag kang ma­kuntento sa kasalu­ku­yang mga suwerteng na­pasasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-21-24-37-40-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami sa mga dikit nang dikit sa iyo ang pabigat lang sa buhay mo, kaya lang may sayang hatid ang ilan sa kanila kaya hindi mo sila dapat layuan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-16-22-26-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibahagi mo sa malala­pit sa iyo ang biglang pumasok sa isip mo na paraan upang bu­wenasin. Sa ganito, hindi ka man makipagsapa­laran, makahahawak ka pa rin ng panalo. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-21-24-30-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Matagal na pag-aaral ang dapat mong gawin upang malaman kung paano ka ba susu­wertehin. Habaan mo ang iyong pasensiya. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-21-28-38-40-44-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang ayaw makipagsapa­laran, nasa kanya ang su­werte. Sino siya? Walang iba kundi ikaw! Dumikit ka sa mga taong gusto mong buwenasin. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-20-24-27-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kasim­bilis ng maha­rot na hangin ang biglaang pagpasok sa isip mo ng kung ano ang mananalo. Kung hindi mo rin bibilisan ang pag­kilos mo, manghihina­yang at magsisisi ka. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-29-30-31-38-40-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo na kailangan pang magsa­yang ng mahabang oras sa pag-iisip kung ano ang iyong gagawin. Kung ano ang unang pumasok sa isip mo, ‘yun na! Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-7-14-16-22-27-34.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.