Favorite raw si Jungkook… MAISIE NG GAME OF THRONES, FAN NG BTS

NANOOD ang Game of Thrones actress na si Maisie Williams sa katatapos lamang na concert ng BTS sa London. Yes, isa rin siyang Army (tawag sa mga fans ng nasabing sikat na South Korean boy band) at ang bias (term ng fans for favorite) niya ay si Jungkook.
Nanood si Maisie sa second night ng London concert na ginanap sa O2 Arena and good thing, tagaroon lang siya kaya hindi na niya kinailangang mag-travel tulad ng ibang international fans ng BTS na dinayo pa ang nasabing bansa.
Habang nanonood ay nag-post pa si Maisie sa kanyang Instagram story ng video ng BTS at nang i-zoom in sa monitor ay makikita si Jungkook at sumigaw pa ang British actress.
Labis namang ikinatuwa ng Army ang post ni Maisie at talagang inulan ng positive comments.
Kamakailan ay umamin si Maisie na fan siya ng BTS na talaga namang ikinasaya ng fans ng grupo.
Si Maisie ang gumaganap na Arya Stark sa hit na HBO fantasy drama TV series na Game of Thrones.





Comments