Search
  • BULGAR

Asia's Songbird, 'di kawalan… REGINE, HINDI PINIGILAN NG SIYETE SA PAGLIPAT SA DOS

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

NAPAKA-UNFAIR naman sa panig ni Ogie Alcasid ang ginagawang pamba-bash sa kanya ngayon dahil lang sa paglipat ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa ABS-CBN.

Diumano, si Ogie ang kumumbinse sa kanyang misis na lumipat na sa Dos at iwan ang GMA-7, tutal tapos na ang kon­trata ni Regine sa Kapuso Network.

Maging ang BFF ni Regine na si Jaya ay isa rin daw sa mga humatak kay Songbird na pumakabilang-bakod sa Kapa­milya para magkasama-sama na sila dahil mas maganda raw ang oportunidad sa bakuran ng ABS-CBN.

Well, mismong ang mga executives ng GMA Network ay tinanggap na ang desisyon at ginawang pamamaalam ni Regine sa kanilang istasyon. Karapatan ‘yun ng sinumang artist na hindi nila gustong saklawan at pigilan.

After all, naging maganda naman ang relasyon ng Kapuso Network kay Regine noong nandu’n pa ang Asia’s Songbird. Walang sama ng loob at walang panu­numbat sa panig ng mga top executives ng GMA Network. Tuloy naman ang programming ng GMA-7 kahit wala nang Regine Velasquez.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.