Sa 7 iba't ibang cities, ha? KRIS, KINASUHAN NA ANG KASOSYO SA NEGOSYO NA NANLOKO SA KANYA


Nagsampa na ng reklamong qualified theft o pagnanakaw ang TV host/actress/social media influencer na si Kris Aquino laban sa hindi pinangalanang tao na pinaniniwalaang business partner ng aktres na nanloko sa kanya.
Isinumite at sinumpaan ni Kris ang kanyang reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office nitong Biyernes (October 12).
Bukod dito ay nag-file rin ang kanyang mga legal counsel, sa ngalan niya, ng parehong demanda sa anim na lungsod — San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig at Manila.
Dagdag ng 47-year-old celebrity, “I continue to have faith that the Philippines’ justice system will uphold the law with impartiality & fairness.”
Ayon pa kay Kris, dumaan sa proseso ng settlement ang kanyang mga abogado at ang kampo ng kanyang inirereklamo ngunit hindi nagkasundo ang magkabilang partido dahil daw siniraan pa siya ng mga ito.
“My legal teams had met with his representatives in an attempt to settle amicably, but in straight forward language-cumare bears sila.
“My family had advocated for peace BUT the other party failed to even meet us halfway and instead chose to spread malicious lies & falsehoods...”
Sa huli, sinabi ni Kris na hindi siya aatras sa laban na ito.
“I wanted to quietly put this painful chapter behind me... kilala nyo na po ako—hindi ako ang nagsisimula ng away, pero hindi po ako pinalaki para urungan ang pakikipaglaban para sa katotohanan.”
Pagtatapos niya, “Sinimulan n’yo, kaya tatapusin ko.”
Labis na ikinadismaya ni Kris ang aniya’y pagsira ng tiwala ng kanyang business associate, kung saan milyones na halaga ng pera ang itinakbo diumano nito mula sa kanyang multimedia company na Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).
Dumaan din daw siya sa matinding depresyon at labis na kalungkutan dahil ang milyones na nawala ay para sa kanyang dalawang anak na sina Joshua Aquino at Bimby Yap, Jr..
Matatandaang dumaan sa masusing medical check-up sa Singapore si Kris dahil sa matinding depresyong pinagdaraanan.





Comments