Search
  • BULGAR

Ma-shonda na raw, kailangan nang palitan…ISKO, GUSTONG BURAHIN SINA ERAP AT LIM

Len Ramos Llanes / ISKUP

Lately, mas maraming artista ang naeengganyong mag-join sa politics at tumakbo sa 2019 elections.

Ang dating aktor na si Isko Moreno ay personal nang naghain ng certificate of candidacy after resigning from the Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang mayor ng Maynila.

Sa kanyang press conference, sinabi ni Isko na inihahalintulad niya ang sarili kay David na makikipaglaban kay Goliath.

Ngunit, kailangan daw talaga ng Maynila ng mga batang mamumuno rito.

Ang alkalde ngayon ng lungsod na kabisera ng Pilipinas ay si former President Joseph Estrada, na naging ka-tandem ni Isko noong unang tumakbo si Erap bilang mayor nu’ng taong 2014.

Si Mayor Estrada ay 81 taong gulang na, samantalang ang isa pang tatakbong mayor ng Maynila na si Alfredo Lim ay 88 years old naman.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.