Search
  • BULGAR

20 miyembro ng NPA, sumurender

@Balitang Probinsiya | January 20, 2021



CAMARINES SUR—Dalawampung miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Pili.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA.


Nabatid na isinuko rin ng mga komunista ang mga dala nilang baril at bala sa 9th Infantry Division ng Philippine Army (PA) na nakabase sa nasabing lalawigan.


Ayon sa mga sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay at makapiling ang kanilang mga pamilya kaya nagpasya silang sumuko sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang masigurong na bukal sa kanilang kalooban ang pagbaballik-loob sa gobyerno.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.