20 kilo ng marijuana, nakumpiska sa 4 tulak
@Balitang Probinsiya | Pebrero 4, 2024
BAGUIO CITY -- Nakakumpiska ang mga otoridad ng 20 kilo ng marijuana mula sa apat na drug pusher kamakalawa sa Brgy. Pinsao Proper, sa lungsod na ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Chou Darwin Corpuz, Pedrito Tamocag, Jim Ayawan at Karl Gile, pawang nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na naaresto ang mga suspek nang pagbentahan nila ng marijuana ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng illegal drugs.
Ayon sa mga otoridad, ang 20 kilo ng marijuana na kanilang nasamsam ay nagkakahalaga ng mahigit P2.4 milyon.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments