Search
  • BULGAR

2 workers, dedbol sa trak

@Balitang Probinsiya | November 24, 2020



ISABELA—Dalawang construction workers ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Luna.


Kinilala ang mga biktima na sina Christian Lopez at Roderick Aquino, kapwa nakatira sa Bgy. Centro 2 sa nabanggit na bayan.


Ayon sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ni Reymond Olado kaya aksidenteng nabangga nito ang kasalubong na motorsiklo na kinalululanan ng dalawang biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.


Nakapiit na ang driver ng trak na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.