Search
  • BULGAR

2 wanted, patay sa shootout

@Balitang Probinsiya | November 17, 2020



NORTH COTABATO—Dalawang most wanted ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Natutungan, Matalam.


Kinilala ang mga suspek na sina Kamlon Mantawil at Abdullah Banggaan, kapwa pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pinagtataguan nina Mantawil at Banggaan at darakpin sana sila ng mga operatiba sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang murder at carnapping, pero biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.


Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang baril, bala at sachet ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.