2 vendor, nasakote sa shabu
@Balitang Probinsiya | November 22, 2023
BACOLOD CITY -- Isang ex-convict na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Singcang-Airport sa lungsod na ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Israel Trazo, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lungsod.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga otoridad sa nasabing barangay kaya naaresto ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng 15 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek na dati na ring nakulong sa kasong illegal drugs.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments