top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 tulak todas, 2 tiklo sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 20, 2021



CAMARINES NORTE—Dalawang drug pushers ang napatay at dalawang kasamahan nila ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban.


Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Hajji Abanto at Nardo Llorca, samantalang ang mga nadakip ay sina Alberto Saladin at Noriel Tagas, pawang nakatira sa naturang lalawigan.


Nabatid na darakpin sana ng pulisya ang mga suspek sa drug-bust operation, pero biglang bumunot ng baril at pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.


Napag-alamang mabilis na nakaganti ng putok ang mga operatiba kaya napatay sina Abanto at Llorca at nadakip naman sina Saladin at Tagas.


Nakarekober ang pulisya ng baril, mga bala at pitong sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page