2 Tulak, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 18, 2024
NEGROS OCCIDENTAL -- Dalawang drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. 20, Victorias City sa lalawigang ito.
Itinago na muna ang suspek sa mga alyas na “Juan” at “Dolfo”, kapwa nasa hustong gulang habang iniimbestigahan pa sila ng mga otoridad.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 15 gramo ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments