2 tulak timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | March 14, 2023
CAMARINES NORTE—Dalawang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Marlo Conge, 22, at Samuel Abdol, 32, kapwa nakatira sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nadakip ang dalawang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 75 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments