Search
  • BULGAR

2 Tulak sa Bulacan, nanlaban, patay

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 7, 2021



Dalawang tulak ang patay matapos umanong manlaban sa ikinasang dalawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Marilao, Bulacan nitong Abril 1 at 6.


Batay sa Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang unang suspek na si Dominador Donia alyas Junior. Nakipagtransaksiyon ito sa mga pulis sa Bgy. Ibayo kahapon nang hatinggabi.


Nang makakutob ay nagsimula itong magpaputok ng baril upang patamaan ang mga aarestong pulis.


Matapos ang putukan ay narekober sa crime scene ang isang caliber .38 na baril at 6 na sachets ng hinihinalang shabu.


Samantala, kabilang din ang wanted na si Jinggoy San Luis sa napatay matapos makabarilan ang mga pulis sa isinagawang operasyon sa Bgy. Abangan Norte nitong Huwebes Santo nang madaling-araw.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.