2 tulak, patay sa shootout

@Balitang Probinsiya | January 30, 2021
CAMARINES SUR—Dalawang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Tara, Sipocot.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Bartolome Lawsin at Ronald Aragon, kapwa nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya sina Lawsin at Aragon sa buy-bust operation, pero biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang mga suspek.
Nakarekober ang pulisya ng dalawang baril, mga bala at ilang sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.



Comments