top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

2 tulak ng marijuana, arestado

BULGAR
Apr 25, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 25, 2021


SANTIAGO CITY—Dalawang drug pushers ng marijuana ang nadakip sa drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sinsayon.


Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Roger Bangawan, 33-anyos, residente ng Pinukpok, Kalinga at Raymond Ferrer, Pozorrubio, Pangasinan.


Ayon sa ulat, naaresto ang dalawang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.


Nabatid na nakakumpiska ang mga operatiba ng anim na bloke ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page