Search
  • BULGAR

2 tulak, arestado sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | November 12, 2020



BAGUIO CITY—Dalawang drug pushers ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Guisad Central.


Kinilala ang mga suspek na sina Clint Macachor, residente ng Maynila at Reynaldo de Castro, residente ng Bulacan.


Ayon sa ulat, may nag-tip na nagbebenta ng shabu sina Macachir at De Castro kaya nagsagawa ng buy-bust operation dahilan kaya naaresto ang mga suspek.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.


Hindi nanlaban sa pulisya ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.