2 tsuper ng jeep, tiklo sa shabu
@Balitang Probinsiya | December 07, 2021
CEBU CITY—Dalawang jeepney driver ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Duljo-Fatima.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Vinch Arnaiz at Jesse Callero, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi nanlaban ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments