2 testigo, dedbol sa riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | March 21, 2021
NORTH COTABATO—Dalawang testigo sa isang kaso ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Libertad, Makilala.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na sina Joven Pagsogiron, 45-anyos at Jona Rafael, 42-anyos, kapwa nakatira sa bayan ng Talunan sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, lulan umano ng motorsiklo sina Pagsogiron at Rafael nang dikitan sila ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo sa naganap na krimen.



Comments