top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 Teroristang BIFF, dedo sa engkuwentro

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 18, 2024
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 18, 2024


MAGUINDANAO DEL SUR -- Dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga terorista kamakalawa sa Brgy. Kitango, Datu Saudi Ampatuan sa lalawigang ito.

 

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na terorista. 

 

Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang tropa ng pamahalaan nang pagbabarilin sila ng mga terorista sa naturang barangay.

 

Nang gumanti ng putok ang tropa ng pamahalaan ay agad napatay ang dalawang miyembro ng BIFF kaya tumakas ang iba pang terorista.

 

Nabatid na patuloy pang tinutugis ng mga otoridad ang mga tumakas na mga terorista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page