Search
  • BULGAR

2 sumemplang sa motorsiklo

@Balitang Probinsiya | January 17, 2021



AKLAN—Dalawang lalaki ang sugatan nang sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Andagao, Kalibo.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Arjay Gonzales, 35-anyos at Janvee Alvios, 28-anyos, kapwa residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho Gonzales ang motorsiklo at kaangkas si Alvios ay nakita nila ang mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya.


Dahil kapwa walang suot na face mask at oras na ng curfew dahil hatinggabi na ay umiwas sa mga awtoridad ang dalawa at mabilis na pinatakbo ang motorsiklo, pero sumemplang sila.


Ginagamot na ngayon sa ospital sina Gonzales at Alvios na kapwa sinampahan na rin ng mga kasong may kinalaman sa paglabag sa health protocol at curfew.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.