2 sugarol, timbog sa tong-its
@Balitang Probinsiya | November 23, 2021
AKLAN—Dalawang lalaking sugarol ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng tong-its kamakalawa sa Bgy. Tambak, New Washington.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Bryan Tolentino at Larly de Luna, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa himpilan ng pulisya na may kalalakihang nagsusugal sa nasabing lugar kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip sina Tolentino at De Luna, samantalang nakatakas ang iba pang sugarol.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa dalawang sugarol.



Comments