top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 sugarol, binaril ng kapwa sugarol

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 6, 2024


AKLAN -- Dalawang sugarol ang sugatan nang barilin ng isang kapwa nila sugarol kamakalawa sa Brgy. Mobo, Kalibo sa lalawigang ito.

 

Ang dalawang biktima na kapwa nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Rufo Tayco, 44 at Jay Victoriano, 45, samantalang ang suspek ay si Louie Torre, nasa hustong gulang at pawang nakatira sa nasabing bayan.

 

Ayon sa ulat, habang nagsusugal ng “cara y cruz” sa nasabing lugar ay nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ang dalawang biktima.

 

Nabatid na habang nagtatalo ay binunot ni Torre ang kanyang baril at saka binaril ang dalawang biktima.

 

Agad namang nadakip ng mga nagrespondeng otoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong double frustrated murder at illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page